pag sapit ng hating gabi, minsan ang mga batang walang magawa sa kalye ay nagbabatuhan.
di ko alam ang dahilan nila o motibo pero sila ay nakakaistorbo.
nadadamay pati ang mga sasakyang nakaparada sa kalye at minsan e mga sibilyan.
ano nga ba talaga ang puno't dulo ng mga ito?
pero ng minsan ko sila nakitang nagpangabot e di naman sila nagsuntukan; nagbabangayan lang sila na parang mga naglalaro lang.
ang masama lang kasi kung ito ay isang laro sa kanila ay ang perwisyong naidudulot nila sa komunidad.
- akala ko na e may curfew? naipapatupad ba ito o sadyang ningas kugon lang?
- asan na rin ba ang mga baranggay tanod? nakatulog na naman ba sa pansitan or sa lugawan?
- asan na rin ang mga hi-way police na romoronda?
ano ba ang batas dito o para dito?
menor de edad pa ba sila sa kanilang asal at kapag nahuli e parang bale wala lang sa kanila dahil alam nilang di sila pwedeng makulong?
o dapat bang baguhin ang batas para sa mga menor de edad na nanggugulo, nananakit at naninira…
ano ba talaga kuya?!