Good morning! Sample message....
@guest_44: Tama! Isang linggo na lang, Happy fiesta na!
magandang umaga mga kabayan
kagabi ko lang napatunayan na di magugunaw ang mundo ngayong 2012... bumili kasi ako ng cornbeef at ang expiration ay 2013 pa
have a blessed week to all
bakit wala pa pong pictures ng Lakan at Mutya 2012?
excited nko sa fiesta! haha
May bandiritas na ba sa inyo?
Pwede po bang malaman kung anong oras magsisimula ung Buling Buling ng Pandacan sa Jan 14?
Alas-3 ng hapon po Buling-buling.
kelan po fiesta ng pandacan..??
@guest_46: Jan 15 ang fiesta sa buong pandacan.
eto link:
http://mypandacan.com/archives/3895tnx po bk8 sabi po sa jan 16 po
Sunday (15) po parati ang fiesta, never naging Monday.
@guest_46: Yes, pati sa Beata.
Part po ng Pandacan yun.
@guest_46: taga-Obesis ako, sa Quirino Ave.
Hi ****yn Viduya, ***usta na? i still remember u Ako si Imelda Barbosa at cl***mates tayo sa Zamora at St. Joseph. nina raciana raymundoas Cindy and Rodoliz hermosoas Dolly. i;ll see Catherine aquino Emily Cortez and the rest sa Pinas on the 14th APril sa Robinson Galleria, hopefully makapunta ka kung nasa pinas ka ,it would be great to see u and the ther
ang alam ko 1pm daw buling buling
may mga dance contest po ba?
Kailan po ba tlga yung fiesta sa pandacan jan 15 ba o 17?
ng submit ako ng pic san ko mkkita ????????
go to gallery > by pandacan residents
ina-approve namin ang mga pics after system notification.
ok noted po,,,nka post n po sya!! Thanks po!
Hi! add me up, Im new in pandacan. kalilipat lng nmin d2
strife_cloud86@yahoo.com nga pla fb ko add me up.Tnx
Hi I am Marissa and also born, grew, earn my elementary and high school degree at Pandacan and now residing in Imus, Cavite
Welcome po sa mga new residents and sa former residents na rin!
Happy Fiesta!
Happy Fiesta to all Pandakenyos!!! Viva Viva!!! Sto Nino!!!
happy fiesta rin po,,, can i ask if when is the parade of Sto. Niño?
ung parade sa world center ang start then end at quirino grandstand? thanks
cant they pick someone else rather than Imelda. I thought my old maid Imelda would suit far better than the marcoses.
tapos na po ang prusisyon ng romano?
magandang tanghali po from london
@sec.phaz: long time no hear ah
hi
busy lang po..musta na?
@jeckamae01: what's up jeckamae01?
how do i get to this street from paco?
ano po landmark yung may andoks?
@admin: ano po landmark yung may andoks?
@guest_48: visit the thread sa forum (pano pumunta sa pandacan). Yung Andok's meron sa Bayan (Sto. Nino church), meron din sa Pres. Quirino Av
do you know someone who studies or is teaching in Paco Catholic School who lives in your street?
grabe finamit ng pamunuan ng sskp ang sto nino para ***ita. dapat ito malaman ni Fr. lari at ng pari ng aglipay. mga taong simbahan ba ang namahala sa kapistahan??? at sa buling buling???? ISA ITONG PANAWAGAN SA LAHAT... sa namahala ng bulingx2 mahiya naman kayo! wag nio gamitin an poon sa pera na hinahabol niyo sa sponsor!!!!
@guest_41: pls comment in the post/thread, not in the chat. mabu-bury lang yang opinion mo sa box.
makipagpulong ka sa amin... at nang hindi puro haka haka ang sinasabi mo kapatid. hahaha... Halika't sasamahan ka pa ng SSKP na humarap sa mga pari. at nang magkaalaman kung sino ang ***ita. mag-email po kayo sa amin
sskpandacan@yahoo.com. Bukas po kami at masasagot ang sinuman sa kahit anung katanungan. Hindi ganyang parang bata na inagawan ng lollipop at nagiingay sa gitna ng kalsada. maghihintay po kami. Maraming Salamat!
SANA WAG KANG HUMATOL NG MGA BAGAY NA HINDI MO ALAM... grabe ka!!! wala ka namang naitutulong sa pandacan, nagagawa mo pang dumakdak!!! walang-kwenta!!!
maraming nag-aalam alaman, sigaw dito sigaw don, kami tumulong kami nakiisa. ang tunay na tumutulong hindi nagsasalita at di pinapangalandakan... wag magmalinis dahil sa sariling bibig nahuhuli ang tunay nating pagkatao. Kayo na ang Magagaling!!!
Reminder to all: pls post your opinion in the actual thread, otherwise it will be buried in the chatbox. tnx!
would you know a former paconian teacher who resides there?
****o po, ano po ba ang pinaka convenient na route papuntang coca-cola otis from resorts world manila pag nag commute? thanks po
just a simple suggestion. The genre could be more pleasing it it was PANDACANO instead of PANDAQUEÑO.
the 8th pictures is not a quiapo church.. it is the sta. cruz church.. infront is the MIB building..
may i know thier email adress so i can send my resume for hr supervisor
bobtom wag ka msyado pikon!!!! nahahalata ka!!!! hahahaha!!!
@guest_14: whose email address were you asking about?
September 25, 2008 at 10:22 am |
Ang awit na ating kinagiliwan kasabay sa ating paglaki ay isa sa mga buhay na saksi sa pag-unlad ng bayang ito na ating minamahal.Ang awit na ito ayon sa kasaysayan ay nagmula pa noong matandang panahon ng 1700 siglo. Totoo na ang may akda ng awit na ito ay hindi kilala ngunit ayon pa din sa pasalin-saling tradisyon, ang awit na ito ay nalikha dahilan na din sa isang pangyayari na nasaksihan ng mga matatandang lehitimong pandaqueño.”Noong mga unang panahon sa matandang bisita ng Pandacan ay mayroong nagtitinda ng puto seko (ito’y matigas na tinapay, karaniwang puti na hilig na pagkain ng mga bata noon) sa may silong ng maliit na simbahan.Nang minsan na may isang batang kulot at kayumanggi na hindi pa niya nakikita mula ng siya’y magtinda rito, ang lumapit sa tindera at nanghihingi ng puto seko. “Pautangin po ninyo ako ng puto seko” wika ng musmos.Ngunit dahilan na din siguro sa kagustohan ng tindera ng puto seko na kumita, ay itinaboy niya ang batang ito. Nagpumilit ang bata na manghingi ng puto seko ngunit siya’y hindi binigyan. sinabi ng batang ito ”sige kayo pag hindi ka nagpautang uubusin ka ng langgam…” at tuloy na nagtatakbo papunta sa kabilang silong ang bata at nawala.mangilang oras lamang ang nakalipas at natagpuan ng tintera ang kanyang tindang puto seko na punong puno ng langgam. At wala ng nagtaka mula noon na ang batang ito na nagturo ng PAGBABAHAGI ng pagkain ay walang iba kungdiang Mapaghimala at mapagmahal nating Patron, Ang Sto Niño de Pandacan.Ang awit na nagpasalin salin… nagtuturo ng kababaang-loob at pagbibigayan. Aral na pahayag ng mahal na pintakasi ng bayang ito ng Pandacan.A Culture enriched through time, that up to now being passed on and rekindled…as the song goes…Sto Niño sa PandakanPuto seko sa tindahanpag ‘di ka nagpautang uubusin ka ng langgam* Accompanying picture… A publication of the Parish Newsletter in 1955 containing the Miracles of our Beloved Sto Niño de Pandacan, which includes the song’s legend…
September 25, 2008 at 12:29 pm |
nuong bata pa ako, may kinuwento sa akin ang lola ko.
dati nuong dalagita pa daw siya, may kumalat na balita o kuwento na meron daw mga batang naglalaro ng mga holen (jolens) sa tapat ng simbahan, nung panahon na un e di pa yata tapos ang kabuuang simbahan o ito’y inaayos pa. sa isang banda, habang naglalaro ang mga nasabing mga bata e may nakisali raw na isa pang bata na maliit at kulot at mejo may kaitiman. pinasali nila ang nasabing batang maliit, sa di inaasahahang pagkakataon, nanalo ang batang maliit at nalimas niya ang mga jolens ng kanyang mga kalaro. may umangal daw na isang bata na bihasa daw siya sa pagpukol ng mga jolens kaya siya nanalo. isusumbong daw siya sa kanyang amain pagdating nito para mabawi ang mga natalong jolens. pagdating ng kinahapunan, kasama na ng bata ang kanyang ama at hinahanap ang nasabing bata. di nila makita o sadyang di kilala sa lugar na iyon ang batang maliit. nang di kalaunan, may sumigaw na isang bata na kasamahan niyang nakapaglaro ng holen, nakita raw niya ang mga holen na natalo sa kanila. dali-daling pinuntahan ng mag-ama ang nagsisigaw na bata. nalaman na lang nila na nasa loob na pala sila ng simbahan, at duon rin itinuturo ng isang bata ang mga holen na nakabalot pa sa animoy tela. nagtataka ang amain ng batang natalo kung bakit andun ang mag holen at ng walang pasiwari’y nagsalita ang kanyang anak… “itay, itay, siya ung tumalo sa aming lahat sa larong holen, isa siyang bihasa sa pakikipaglaro….”
ang sinasabing bata o ang kanyan itinuturo ay walang iba kundi ang patron nating Sto. Niño na siyang nakipaglaro ng mga panahon na iyon sa mga bata ng Pandakan.
September 25, 2008 at 1:51 pm |
Ang ulat ay patuloy na lumalawig hanggang sa ang kura paroko ng bayan na ang nakapagpatotoo…Sa tuwing may mga batang natatalo sa holen… ang kura ay tuwang tuwa na lamang na pinapalitan ang mga napatalo ng mga batang ‘yon.Pag’kat nalalaman na niya kung saan makikita ang mga holen…At siyang tunay… ang mga holen ay nakakalat sa kamarin (silid/case) ng Mahal na Poong Sto. Niño.Dangat siya ay Panginoon, siya’y bata na kalaro ang kapwa bata…
September 25, 2008 at 1:53 pm |
Andres… maaari mo bang maipadala sa aking e-mail ang magandang awit na yan?Maraming Salamat
September 29, 2008 at 2:35 pm |
naipadala ko na pala ginoong tomas sa iyong nasabing email.
natanggap mo ba ng maayos at maluwalhati?
September 30, 2008 at 5:28 pm |
Walang sawang pagtugon sa pangangailangan ng isang kapatid ang tawag sa kagyat na pagpapadala mo sa nasabing awitin sa aking e-mail.
Pasasalamat ko’y abot langit na may lubos na dalangin ng Pagpapala sa Poong maykapal
ng pagdinig sa’yong mga samo’t dalangin.
Salamat kaakbay sa paglalakbay sa buhay
:D
September 30, 2008 at 8:18 pm |
kung gayon ginoong tomas ay walang anuman
sa maliit na bagay na aking naibigay
at huwag ka sanang magsawa sa iyong pagbisita
sa aming munting blogsite na para sa masa
November 26, 2008 at 3:04 pm |
Ang awiting ito ay isang makasaysayang kultura at tradisyon ng mga taga pandacan at malabon, ang aming patrona sa malabon ay ang Mahal na Birhen ng La Purisima Concepcion, at ang patron ng pandacan na aking napagdestinuhan ay Poong Sto. Nino, tunay ngang magkarugtong ang awitin at ang ugat ng kasaysayan ng pinagmulan ng kaluluwang pilipino. Isang Ina at Bata na larawan ng mga dukha, api at maralitang mga taga lungsod mga batang sadyang naghahanap ng pag-aaruga ng kanilang inang lungsod. Ang awit ay nag-uugat sa larawan ng Maynila at Malabon kung saan dapat pagyamanin ang ugat ng pinagmulan na siyang aahon at aaruga sa mga nakalimutang mga batang lansangan, napariwara at naghahanap ng ina na aampon at kukupkop. Kung pagninilayan lamang ang mensahe ng awitin tiyak ang kasiyahan ng tunog ay siyang lungkot ng mga larawang ating makikita sa mga Sto. Nino ng lansangan at mga Inang naghahanap ng katarungan, pag-asa at katotohanan.
November 27, 2008 at 9:06 am |
Magandang Araw po sa lahat…
Fr. Erick, kayo po ba ay ang dating kura ng Parokya ng Banal na Sanggol ng Iglesia Filipina Independiente?
November 27, 2008 at 10:46 am |
Fr. Erick, salamat po sa pagbahagi ng inyong mga pananaw. Salamat din po sa pagbisita dito sa 1011.
November 27, 2008 at 12:05 pm |
Kura aq ng IFI ng pandacan ng muling magkasundo at magkadaupan palad ang Iglesia Romana at Iglesia Filipina taong 1997, at dito q napatunayan ang halaga ng aral ng Nino Jesus na tumulad sa mga bata sa kapakumbabaan.. Malaking karangalan sa mga taga pandacan ang ganitong tradisyon at kultura na siyang layon ng Mabuting Balita ng Banal na Bata. Lubos ang aking kasiyahan sa patuloy na pagbubukas ng puso, isipan at kaluluwa ng mga taga-pandacan upang maging huwaran at gabay sa lahat na hindi hadlang ang relihiyon upang ang buklod ng pag-ibig at pagkakaisa ay hindi maisakatuparan. Ang diwa at kultura ng Buling-buling ay nagiging buhay lamang sabay ng pag-indayog at pag-indak ng mga kamay ay tanda ng marubdob na pananampalataya at pagsandig sa Kapangyarihan ng Batang si Jesus. “MAPALAD ANG MGA KAMAY NA GUMAGAWA KAYSA SA BIBIG NA NAGDARASAL” Ipagpatuloy ninyo ang isang makasaysayang imahen ng tunay na pagsasadiwa ng tunay na mga kristiyano, na hindi bumabatay lamang sa gawaing relihiyoso. MABUHAY PO KAYO!
November 28, 2008 at 8:27 am |
isang magandan umaga po Fr. Yneco….
maraming salamat po sa pag post at pag bisita sa aming munting site ng 1011.
huwag po sana kayong manawa sa pagbisita at pagiwan ng opinyon o puna o kuwento mula sa inyo.
God Bless Fr. Yneco
November 28, 2008 at 2:58 pm |
isa sa paborito kong post dito sa 1011 ito. dito ko lang nalaman na ang “pandacan” ay nasa isang classic na awitin.
November 29, 2008 at 8:36 am |
At para din po sa kaalaman ng lahat…
Nang nangyayari po ang mga pagpupulong ukol sa pag-kakaisa noong taong 2007, ako po ay kasalukuyang nasa Vicor Music pa, ako po ay tinawagan ni Reb. Pd. Lari B. Abaco ng Romana Katolika.
Ang ako po ay nagulat pagkat sa gitna ng aming pag-uusap, siya po ay napaiyak. Kanya pong sinasalay-say na ang nangyayari sa Pandacan mula noong araw na iyon magpahanggang sa ngayon ay wala na sa kamay ng mga mamayan. kungdi ang kalooban na na maawaing Sto Nino.
Ang kanyang hangarin na maging masaya lamang ang kapistahan ng Pandacan ay naging huwaran at larawan na ng pag-ibig na buhat lamang sa Diyos.
Para po ulit sa inyong kaalaman, lubos po ang pag-yapos niya at pag-mamahal sa lahat lalo na po sa mga kapatid sa Iglesia Filipina Independiente. Lalong lalo na Po sa tumatayong punong ama ng Simbahan noong mga panahong iyon.
The event of 2007 in Pandacan is beyond the imagination of the mother church. Though it is always in the agenda of the councils to put into consideration large scale ecumenism, beliefs is always in the pathway, but what happened in Pandacan in that Jan 14 2007 fiesta is nothing but pure LOVE from God.
Pag-ibig mula sa Diyos na hinayaan ng bawat isa sa atin na dumaloy.
MGA TAGA-PANDACAN… IKAW AY MAGHASIK PA NG PAG-MAMAHAL! IPAGPATULOY!
AT WALANG HANGGAN NA IINDAK ANG PAGKAKAISA!
PANDACAN SULONG NA!!!
November 29, 2008 at 10:29 am |
ang pagsasanib ng dalawang simbahan ng Sto Nino sa Pandacan ang pinakamagandang fiesta na nangyari sa akin. dito kasi natin ipinakita na nagkakaisa tayo sa hangarin ng salita ng Diyos at sa ikabubuti ng ating mga mamamayan ng Pandacan. kung ito rin sana ay nagagawa ng ibang relihiyon, politiko, negosyante at iba ay di malayong marating natin ang ikauunlad at ikagaganda ng atng batang Pilipinas. sinimulan nating mga Pandaquenong magbuklod dapat ito’y ituloy para tayo ang maging ehemplo ng pagkakaisa sa pamamagitan ng Sto Nino at salita ng Diyos.
May 14, 2010 at 8:11 pm |
i miss philippines
May 14, 2010 at 8:13 pm |
Rev.Fr. Eric Yneco….ikaw nga ba ang cousin kong anak ni tiyo emong? just let me know….my email add prettysaf65@yahoo.com
September 18, 2010 at 4:43 pm |
may tanong lng po ako..bat po nsama ang sit si rit sit sa mga filipino folk ssongs??? pano po b nabuo ang awiting ito..salamat po..;.
September 21, 2010 at 5:21 pm |
ito’y bahagi ng isang anekdota noong 1745 na kung saan ang mga katutubo ay nag hihimagsik upang ibalik sa kanila ang Sto Niõng natagpuan sa balon; dahilan sa ang mga kastila ay unti unting pinapalitan ang imahe ng mga “Katutubong Santo”.
Ang Salitang sitsiritsit ay ang bansag sa mga katutubong nagprotesta sa harap ng simbahan upang maibalik sa kanila ang kanilang kordero.
Samakatwit ang awit mismo ay patungkol at patungkol lamang sa kasaysayan ng “manika” o sanggol ng Pandacan. Ang Mahal na Poong Sto Niño.