Nasa Philippine Territory na po ang bagyong si “EMONG” kaya’s makakaranas tayo ng pag-ulan sa Pandacan, at sa kalakhang Maynila. Is it the start of the rainy season?
Hopefully, mabiyayaan tayo ng magandang sikat ng araw sa Pandacan Day on May 30. ;)
Read the rest for full PAGASA weather forecast…
| PAGASA Weather Forecast Issued at: 5:00AM May 7, 2009 Valid Beginning: 5:00 a.m. today until 5:00 a.m. tomorrow Synopsis: |
|---|
| At 2 a.m. today, the eye of Typhoon “EMONG” was located based on satellite and surface data at 380 kms West of Iba, Zambales (14.9°N, 116.1°E) with maximum sustained winds of 120 kph near the center and gustiness of up to 150 kph. It is forecast to move Northeast at 17 kph.
|
| Forecast: |
| Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, La Union, Benguet, Pangasinan and Zambales will experience stormy weather while the rest of Northern and Central Luzon will have rains and gusty winds with moderate to rough seas. The rest of Luzon will be cloudy with scattered rainshowers and thunderstorms becoming widespread rains over the Western section of Southern Luzon which may trigger flashfloods and landslides. Western Visayas will be mostly cloudy with scattered rainshowers and thunderstorms. The rest of the country will have partly cloudy to at times cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms mostly in the afternoon or evening.
Moderate to strong winds blowing from the Southwest will prevail over the Western sections of Southern Luzon and Visayas and the coastal waters along these areas will be moderate to rough. Elsewhere, winds will be light to moberate coming from the Southwest and Southeast with slight to moderate seas. Forecast in Filipino Ang Kalakhang Maynila ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-Kanluran hanggang Timog ang iiral at ang Look ng Maynila ay katamtaman hanggang sa maalon. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 24 hanggang 31 antas ng celsius (75°F hanggang 88°F). Ang Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, La Union, Benguet, Pangasinan at Zambales ay makakaranas ng masungit na panahon samantala, ang natitirang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon ay magkakaroon ng mga pag-ulan at pabugsu-bugsong hangin na may katamtaman hanggang sa maalong karagatan. Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat na magiging malawakan ang mga pag-ulan sa Kanlurang bahagi ng Katimugang Luzon na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Kanlurang Kabisayaan ay magiging madalas na maulap ang papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap ang kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat lalo na sa dakong hapon o gabi. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-Kanluran ang iiral sa mga Kanlurang bahagi ng Katimugang Luzon at Kabisayaan at ang mga baybaying dagat sa mga lugar nito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay mahina hanggang sa katamtaman mula sa timog-kanluran at timog-silangan ang iiral na may banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon ng karagatan. |
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

